Sarado muna pansamantala ang operating at delivery rooms ng Ospital ng Sampaloc sa Maynila.
Nagsimula ito kahapon alas-otso ng umaga hanggang sa ika-15 ng Hulyo, 8:00 am.
Ang dahilan ay para bigyang daan ang isinasagawang paglalagay ng negative pressure system.
Samantala, kaugnay naman sa COVID-19 situation sa Maynila, sa pinakahuling tala ay mayroon itong 1,150 na aktibong kaso ng COVID-19.
Pinamarami ang bilang ng tinamaan ng virus sa area ng Sampaloc at Tondo.
Bukas naman ay magpapatuloy ang pagtuturok sa Maynila ng ikalawang dose ng bakuna para sa mga nabigyan ng Sinovac noong June 11 at para sa mga unang nabakunahan ng Pfizer noong June 18.
Facebook Comments