OPERATION BAKLAS, ISASAGAWA NG COMELEC PANGASINAN NGAYONG ARAW

Sa pagsisimula ng local campaign period ngayong araw, nakatakda rin ang pagbabaklas ng Commission on Elections Pangasinan sa mga campaign posters na lumalabag sa panuntunan na inilatag ng ahensya sa pangangampanya.
Ayon Kay COMELEC Pangasinan Provincial Election Officer Atty. Eric Oganiza Target ng tanggapan na alisin ang mga campaign materials na wala sa Tamang sukat at wala sa Tamang lugar.
Dagdag pa ni Atty Oganiza, hindi sa dami ng campaign materials ang magiging rason para ang isang kandidato ay manalo, kung kaya’t huwag na itong samantalahin at mainam na sumunod na lamang.

Matatandaan na unang nagsagawa ng pagbabaklas ang tanggapan noong ika-27 ng Pebrero. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments