Sisimulan na ng Commission on Elections (COMELEC) ang kanilang ‘Operation Baklas’ sa mga election paraphernalia para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (BSK) Elections oras na maiproseso ng komisyon ang nagdaang Certificate of Candidacy (COC) filing.
Sa ambush interview kay COMELEC Chairman George Erwin Garcia, sinabi nitong bagama’t kaunti lang ang nakita ng COMELEC na nakapaskil na posters, wala silang palalagpasin na kahit anong paraphernalia kahit pa walang nakasulat na “Vote For”.
Ipatatanggal din aniya nila ang lahat ng posters ng kandidato sa pampubliko man o pribadong lugar.
Ikinokonsidera na kasi itong premature campaigning, lalo na’t natapos na ang COC filing.
Dagdag pa ni Garcia, ang mga post sa social media na nag-po-promote sa kandidato bago ang opisyal na panahon ng kampanya ay mga paglabag din sa itinakdang panuntunan ng COMELEC.