
Naglabas ng abiso ang Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa mga Pinoy na nangangailangan ng tulong.
Ito’y matapos pansamantalang ma-restrict ang chat function ng Operations Center Facebook Page ng ahensya dahil sa restriction na ipinatupad ng Facebook system.
Ayon sa OWWA, kasalukuyan na nilang inaayos at mino-monitor ang sitwasyon upang maibalik agad ang normal na operasyon ng kanilang Messenger channel.
Hindi muna kasi makatatanggap o makasasagot ang kanilang team sa mga mensahe sa Messenger, kabilang ang mga katanungan at concerns ng mga Overseas Filipino Workers (OFW).
Hinihikayat naman nila ang publiko na gamitin muna ang iba pang communication channels ng ahensya tulad ng OWWA Hotline 1348, Viber numbers, email (owwacares@owwa.gov.ph), at regional directory para sa agarang tulong.










