OPERATION CENTERS | DSWD, magtatayo ng dalawang operation centers sa Aklan

Aklan – Magtatayo ng dalawang operation centers ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Aklan.

Gagamitin ang pasilidad para maayos na maipamahagi ang tulong pinansiyal, mga suplay at iba pang serbisyo sa mga residenteng maaapektuhan ng pagsasara ng isla ng Boracay.

Maliban rito, magtatalaga rin ang DSWD ng mga social workers na tutukoy sa mga usapin at problemang maaaring kaharapin ng komunidad.


Nangako rin ang DSWD na regular silang magpapalabas ng mga update.

Bubuksan ang mga nasabing operation centers sa Abril 26 kung saan isa ang itatayo sa mismong isla ng Boracay habang isa sa harap ng municipal hall sa mainland Aklan.

Facebook Comments