OPERATION LIBRENG TULI, ISASAGAWA SA SAN MANUEL

Cauayan City – Nakatakdang magsagawa ng Libreng Operation Tuli para sa mga kalalakihan mula sa bayan ng San Manuel, Isabela.

Nakatakdang isagawa ang programa sa darating na ika-22 Hunyo sa San Manuel Community Center.

Ang programa ay naging posible sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng San Manuel at sa pakikipagtulungan sa Cauayan Medical Specialist Hospital.


Inaanyayahan naman ng lokal na pamahalaan ng San Manuel sa pamumuno ni Municipal Mayor Hon. Faustino Dy, IV ang lahat ng mga nais na makilahok na samantalahin ang libreng serbisyo para sa kanila.

Facebook Comments