Operation listo manual, activated na sa mga rehiyong apektado ng sama ng panahon

Pinaiiral na ngayon ang mga paghahandang nakasaad sa Minimum Preparedness Checklist at Operation LISTO Manual.

Ayon kay Junie Castillo, Office of Civil Defese (OCD) Spokesperson, dito nakalista ang mga dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng sakuna upang mabigyan ng komprehensibo at nararapat na aksyon mula sa lokal na pamahalaan.

Inaatasan din ang mga Local Disaster Risk Reduction and Management Offices (LDRRMO) na magpatupad ng mga hakbang para matiyak ang kaligtasan ng mga komunidad mula sa panganib.

Sinabi pa ni Castillo na mahigpit na ipinatutupad ang coordinated at multi-sectoral na paghahanda upang maagapan ang epekto ng bagyo.

Hinihingi rin ang agarang pagsusumite ng mga situational reports mula sa lahat ng DRRM councils ng rehiyon para agad na makapagpadala ng agarang tulong ang mga kinauukulang ahensya.

Facebook Comments