Operation ng Consular Office ng DFA sa NCR Northeast, pansamantalang suspendido para sa disinfection

Pansamantalang sinuspinde ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang operasyon ng Consular Office sa NCR Northeast sa Ali Mall Araneta Center, sa Cubao, Quezon City para sa gagawing disinfection ngayong araw, July 15, 2020.

Ito ay upang maipatupad ng pamahalaan ang ibayong pag-iingat laban sa COVID-19.

Ang Consular Office – NCR Northeast ay muling magbubukas bukas, July 16 2020.


Ang mga apektadong aplikante na mayroong naunang mga appointment ay ma-accommodate hanggang August 14 sa oras ng office hour.

Hinihiling naman ng DFA ang pang-unawa at kooperasyon ng publiko habang nagpapatuloy ang laban sa pandemya.

Facebook Comments