OPERATION SITIO, PATULOY NA ISINASAGAWA SA DAGUPAN CITY

Sama-samang kumikilos ang mga residente sa ilalim ng programang Operation Sitio upang pagandahin at ayusin ang kanilang pathway at drainage system.

Sa nasabing aktibidad, nagbayanihan ang mga homeowners para magsagawa ng pagpapalapad, paglilinis, at pagpapagawa ng mga bahagi ng daan, pati na rin ang pagpapabuti ng daluyan ng tubig upang maiwasan ang pagbaha at mga posibleng pagbara lalo na tuwing tag-ulan.

Suportado ang kanilang inisyatiba ng Pamahalaang Lungsod ng Dagupan sa pamamagitan ng pagbibigay ng kinakailangang materyales tulad ng dredging materials, buhangin, graba, semento, steel bars, at hollow blocks.

Malaking tulong ito upang maisakatuparan ng mga residente ang proyekto sa mas mabilis at mas maayos na paraan.

Patuloy namang hinihikayat ng lungsod ang iba pang barangay na makibahagi sa mga programang naglalayong magdulot ng mas ligtas at mas maayos na kapaligiran para sa lahat.

Facebook Comments