Umarangkada na ang Operation Timbang Plus sa lahat ng Day Care Center sa mga barangay sa Alaminos City bilang bahagi ng regular na programa upang masuri ang timbang at taas ng mga sanggol at kabataan na nasa pangangalaga ng mga day care center.
Layunin ng aktibidad na matukoy ang kalagayan ng nutrisyon ng mga bata at maagapan ang posibleng suliranin sa kalusugan.
Pinangunahan ang aktibidad ng Barangay Nutrition Scholar, katuwang ang BSPO at mga Barangay Health Workers, isinasagawa ang OPT Plus bilang mahalagang batayan sa pagpaplano ng mga programang pangkalusugan at nutrisyon ng barangay.
Ayon sa barangay, ang Operation Timbang Plus ay mahalagang hakbang upang mapalakas ang pangangalaga sa kalusugan ng kabataan at makabuo ng mas malusog na komunidad. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣










