Operational bed capacity ng Lung Center para sa mga pasyenteng may COVID-19, halos puno na

Inanunsyo ng Lung Center of the Philippines na halos punuan na ang kanilang bed capacity para sa mga pasyenteng may COVID-19.

Ayon kay Lung Center of the Philippines Spokesperson Dr. Norberto Francisco, halos 100% na ang kanilang mga kama na inireserba sa mga delikado at malubhang kaso ng COVID-19.

Ayon kay Francisco, ibinaba na nila sa 169 ang kanilang bed capacity at 75% nito ay inilaan sa COVID-19 patients.


50 out of 51 na kama sa ICU, isa na lamang ang bakante.

Kaninang umaga ay 90% na ring okupado ang isolation ward.

Pero dahil may mga nakaabang nang mga pasyenteng may moderate COVID-19, inaasahan na magiging 100% nang okupado ito sa buong maghapon.

Aniya, napuno agad ang kanilang operational beds dahil dagsa ang nakukuha nilang mga tawag at referrals mula sa ibang ospital.

Nag-anunsyo na rin ang National Kidney and Transplant Institute na malapit na rin silang umabot sa full capacity.

Kabilang sa mga ospital na nagdeklara na rin ng full capacity ay ang St. Luke’s Medical Center sa Quezon City at Bonifacio Global City, Makati Medical Center at ang Medical City.

Facebook Comments