Operational capacity ng government offices at GOCCs, pinalilimitahan sa 30 hanggang 50 percent

Pinalilimitahan ng Malacañang sa lahat ng government offices sa ilalim ng Executive branch at sa Government-Owned and Controlled Corporations (GOCC’s) sa 30 hanggang 50 percent ang operational capacity o bilang ng mga kawani na pisikal na nagre-report sa trabaho.

Batay sa Memorandum Circular no. 85 na nilagdaang ni Pangulong Rodrigo Duterte noong ika-19 ngayong Marso, dapat na ipatupad ito ng mga tanggapan sa General Community Quarantine (GCQ) areas simula March 22 hanggang April 4, 2021.

Exemption naman dito ang mga nasa health at emergency frontlines services, border control at iba pang critical services na nangangailangan ng mas mataas na operating capacity.


Pinagsusumite naman ng Malacañang ng request for clearance ang mga opisina na magpapatupad ng lockdown, kalakip ng duration o tagal nang pagpapatupad ng lockdown, at dapat ay suportado ito ng mga beripikadong datos.

Facebook Comments