Isinagawa na ang operational dry run ng Sangley Airport sa Cavite.
Layunin nitong ma-decongest ang mga flight sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ayon kay Department of Transportation Secretary Arthur Tugade – na maaari nang mabuksan ito para sa turboprop freighter, cargo freighter at general aviation sa susunod na linggo.
Sinabi ni Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Director General, Capt. Jim Sydiongco – dahil nagsisimula pa lamang ang Sangley Airport, ilang airline company pa lamang ang nangakong gagamit nito.
Inaayos na ng DOTr ang transportasyon papunta ng paliparan.
May ilang paraan para ma-access ang Sangley Airport, maliban sa P2P bus mula NAIA at PITX, mayroon ding ferry mula Maynila.
Pinag-aaralan naman ang extension ng Cavitex para sa Sangley at isa pang access road na ginagawa ng Department of Public Works and Highways (DPWH).
Umaasa ang Cavite government na sa loob ng tatlong taon ay mapapalawak ito at mabansagan bilang Sangley Point International Airport.