Operational guidelines para sa Oplan Balik Eskwela 2023, inilabas na ng PNP

Para sa ligtas na pagbabalik eskwela ng mga estudyante at guro sa August 29, naglabas na ng operational guidelines ang Philippine National Police (PNP).

Ayon kay PNP Spokesperson PCol. Jean Fajardo, layon ng guidelines na matiyak ang peace and order at public safety sa lahat ng mga paaralan, transportation hubs at places of convergence sa inaasahang pagdagsa ng mga mag-aaral sa mga pampublikong lugar.

Kasama sa guidelines ang pag-deploy ng nasa 11,000 pulis sa buong bansa.


Inatasan din ang mga unit commanders na makipag-ugnayan sa mga pamunuan ng mga paaralan sa kanilang nasasakupan upang masiguro ang kaligtasan ng mga mag-aaral.

Magkakaroon din ng mga Police Assistance Desks na ipoposte malapit sa mga paaralan, maliban pa sa mga pulis na nakatoka sa mobile at beat patrol.

Kasunod nito, umaasa si Fajardo na magtutuloy-tuloy ang mahigpit na seguridad sa mga paaralan hanggang matapos ang buong school year.

Facebook Comments