Pinamamadali na ni Department of Agriculture (DA) Undersecretary for Operations at Chief-of-Staff Leocadio Sebastian sa mga kaukulang departamento ang pagsasapinal sa kanilang mga operational plan na naglalayong mapataas ang produksyon ng palay, mais, mga gulay, poultry at fiahery products.
Kasunod na rin ito ng naging kautusan ni Agriculture Secretary at President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na gawing priyoridad ang pagbuo ng iba’t ibang pamamaraan na mapataas ang produksyo at mapatatag ang presyo ng pagkain.
Pinaalalahanan din ni Usec. Sebastian ang mga opisyal at kawani ng DA na maging masigasig at epektibo sa pagtupad sa kanilang mga tungkulin lalupa’t mahaharap ang bansa sa banta ng isang pandaigdigang krisis sa pagkain.
Nauna nang iniulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na naitala sa 6.1 percent ang kontribusyon ng presyo ng pagkain sa pagsipa ng antas ng implasyon.
Ang mabilis na galaw ng presyo ng bilihin ay itinutulak ng mataas na taunang pagtaas ng meat at iba pang slaughtered land animals index at 8.1 percent.
Gayundin, ang pagtaas ng presyo ng fruits group sa 6.4%