Operational program ng PDP Maguindanao pormal ng inilunsad

Pormal ng inilunsad kahapon ang operational program ng PDP Laban matapos maitalaga si House Deputy Speaker Bai Sandra Sema bilang PDP Maguindanao Provincial Council President . Ang PDP ay partido ni Pangulong Duterte at porveyor ng Federalism bilang bagong porma ng gobyerno. Sinabi ni Cong.Sema pangunahing trabaho nila ngayon ang mag organisa at pagpapalakas ng partido sa pamamagitan ng Basic Membership Seminar(BMS). Ang puwedeng maging miembro ng partido ay hindi lamang para sa mga pulitiko kundi sa lahat ng sectoral group.
Kabilang sa isinusulong ng partido ang unity at higit sa lahat ang kapayapaan.(Amer Sinsuat)

Facebook Comments