Operator ng Drop Ball sa District 1, Huli!

39

Cauayan City, Isabela – Kaagad na naaresto ng PNP Cauayan City ang nagpapalaro ng drop ball sa District 1 noong gabi ng Pebrero 12, 2018.

Batay sa impormasyon ng PNP Cauayan, nakilala ang operator na si Dominador Galaus Zipagan, 41 anyos, construction worker, at residente ng District 1, Cauayan City, Isabela.

Ayon sa pulisya, nakatanggap umano sila ng report ukol sa nasabing pasugal na agad naman nilang inaksyunan at pinuntahan.

Pagdating ng mga pulis sa lugar, mabilis na nakatakbo at nakatakas ang mga manlalaro ng naturang sugal hanggang sa nasukol at na-korner ng mga ito ang operator na si Zipagan

Nakuha sa iligal na pasugalan ang apat na piraso ng ping-pong ball, dalawang plastik na basket, isang embudo, isang game board, P110.00 na barya at halagang P180.00.

Kasong paglabag sa PD 1602 o Illegal Gambling naman ang kakaharapin ngayon ni Zipagan.

Facebook Comments