Operator ng Iligal na Sugal, Arestado!

86

*Cauayan City, Isabela- *Nahaharap sa kasong paglabag sa PD 1602 o illegal gambling ang isang lalaki matapos mahuli ng mga otoridad sa Brgy. Maui, Delfin Albano, Isabela.

Kinilala ang suspek na si Paulo Avila, 24 anyos, single, operator, at residente ng Brgy. 4, Tumauini, Isabela.

Si Avila ay nadakip matapos na makatanggap ng impormasyon mula sa concerned citizen ang himpilan ng PNP Delfin Albano kaugnay sa pagpapasugal ng suspek.


Naaktuhan sa pag-ooperate ng Drop ball si Avila kasama ang mga nagtataya sa naturang sugal na maswerteng nakatakas.

Nakumpiska naman ng mga otoridad ang isang set ng drop ball parapernalya at pera na nagkakahalaga ng P683.00.

Facebook Comments