Opinyon ng OSG sa pagpapataw ng buwis sa POGO, pinalagan nina Senators Drilon at Villanueva

Binara nina Minority Leader Senator Frank Drilon at Committee on Labor Chairman Senator Joel Villanueva ang legal opinion ng Office of the Solicitor General o OSG na hindi dapat buwisan ang mga Philippine Offshore Gaming Operators o POGOs.

 

Para kay Drilon, erroneous, misplaced, misguided at hindi nakakabuti sa kapakanan ng bansa ang opinyon ng OSG.

 

Giit ni Drilon, hindi dapat nakikialam ang Office of the Solicitor General sa interpretasyon ng tax law.


 

Ayon kay Drilon, batay kasi sa national internal revenue code, tanging ang BIR ang may ekslusibo at orihinal na hurisdiksyon sa pag interpret ng lahat ng tax laws.

 

Diin naman ni Senator Villanueva, kahit anong negosyo na pinapatakbo ng dayuhan sa bansa ay dapat magbayad ng buwis dahil kung hindi ito ay ilegal.

 

Sa budget deliberation ng Senado ay kinontra din ng national economic and development authority ang nabanggit na legal opinion ng OSG.

Facebook Comments