Opinyon ni VP Sara Duterte na “deal with the devil” ang Joint Oslo Communique, pag-aaralan ng NTF-ELCAC

Seryosong ikokonsidera ng National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), ang opinyon ni Vice President Sara Duterte na “deal with the devil” ang Joint Oslo Communique.

Ito ang inihayag ni NTF-ELCAC Secretariat Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr., kung saan mahalaga aniya ang opinyon ni VP Sara dahil bukod sa pagiging pangalawang pinakamataas na opisyal ng bansa ay siya rin ang tumatayong co-Vice Chairperson ng NTF-ELCAC.

Ani Torres, maaaring may iba’t ibang opinyon ang mga opisyal ng pamahalaan patungkol sa pakikitungo sa mga kalaban ng gobyerno, pero nagkakaisa sila sa layuning makamit ang pangmatagalang kapayapaan sa bansa.


Wala aniya siyang nakikitang problema dito, dahil mayroon namang mekanismo para pagkaisahin ang mga magkakaibang pananaw na ito.

Paliwanag pa ni Torres, na ang opinyon ng bise presidente ay ikukunsidera nila sa pagbuo ng implementing rules and regulations (IRR) sa amnestiya at sa pagsulong ng peace process.

Facebook Comments