OPIOID ADDICTION CRISIS | Pagpapataw ng death penalty sa mga drug dealers, isinusulong ni US President Donald Trump

Amerika – Isinusulong ni US President Donald Trump ang pagpataw ng parusang
kamatayan sa mga drug dealer.

Layunin nitong malabanan ang opioid addiction crisis.

Hinimok din ni Trump ang kanilang kongreso na palakasin pa ang mga batas
laban sa mga drug traffickers.


Target din ng white house na tapyasin ang opioid prescriptions sa loob ng
tatlong taon.

Ang opioid ay isang uri ng droga na nakakapagdulot ng masamang epekto sa
baga (lungs) ng tao.
<#m_2004176535726944364_DAB4FAD8-2DD7-40BB-A1B8-4E2AA1F9FDF2>

Facebook Comments