Mga establisyimento, binabantayan ng QC Government kung sumusunod sa mga safety health protocol

Tinututukan ng lokal na pamahalaan ng Quezon ang mga opisina at establisyimento para matiyak na nasusunod ang mga safety health protocol.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, malaki ang hawaan ng virus sa bahay matapos mauwi ang virus mula sa trabaho.

Base sa datos, ang pagkalat ng virus sa bahay ang nangunguna sa dahilan ng hawaan na may 39.42%.


Sinundan ito ng hayaan ng magkakapitbahay na may 31.02%.

Habang workplace transmission ang pangatlo na may 12.41%.

Dahil dito nais siguruhin ng pamahalaang lungsod ng Quezon na sumusunod sa health protocol ang mga establisyimento at mayroon din dapat silang patakaran na ginawa upang makatulong sa pagpigil sa paglaganap ng COVID-19.

Facebook Comments