Opisina at mga service center ng Professional Regulation Commission, pansamantalang sarado

Pansamantalang isinara ng Professional Regulation Commission (PRC) ang kanilang opisina at mga service centers matapos ideklara ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa National Capital Region Plus (NCR Plus).

Sa abiso ng PRC, simula ngayong araw hanggang Miyerkules ang kanilang tanggapan.

Kabilang sa mga ito ay ang PRC Morayta, PRC PICC, PRC Robinsons Place Manila, PRC Robinsons Galleria Ortigas, PRC Robinsons Place Las Piñas at PRC Robinsons Novaliches.


Sarado rin ang PRC Robinsons Place Dasmariñas sa Cavite at PRC Robinsons Sta. Rosa sa Laguna.

Ang mga naka-schedule naman ng kanilang appointments ngayong araw ay maaari na lamang bumalik pagkatapos ng Holy Week o sa April 5, 2021, araw ng Lunes.

Para hindi naman maabala ang ibang serbisyo ng PRC, nagpatupad sila ng work-from-home arrangement sa kanilang mga kawani na naapektuhan ng pansamantalang pagsasara ng kanilang opisina at mga service center.

Para sa mga may katanungan, maaaring makipag-ugnayan sa pamamagitan ng e-mail ng PRC na matatagpuan sa kanilang website na www.prc.gov.ph.

Facebook Comments