Manila, Philippines – Ililipat pansamantala ang operasyon ng Bureau of Customs (BOC) sa kanilang gymnasium sa South Harbor sa Maynila.
Ito ay matapos na masunog kagabi ang kanilang gusali sa BOC Port.
Ayon kay BOC Spokesperson Erastus Austria, kahit napinsala ng sunog ang kanilang opisina, tuloy-tuloy pa rin ang operasyon ng kanilang formal entry division.
Makikipag-ugnayan din ang ahensya sa Philippine Port Authority at Maritime Industry Authority para magamit ang kanilang pasilidad para sa operasyon ng customs.
Nagsimula ang sunog sa ikatlong palapag ng Pom building bandang alas-9:00 PM na umabot sa ika-limang alarma bago ideklarang fire-under control dakong 4:00 ng umaga.
Facebook Comments