
Sinalakay ng National Bureau of Investigation (NBI) at Presidential Anti-Organized Crime Commission ang opisina ng isang lending app kahapon.
Isinagawa ang nasabing raid sa inihain na warrant to search, seized, and examine computer data na inisyu ni Judge Karla Regina Valera ng Makati Regional Trial Court Branch 147.
Matapos na makatanggap ng reklamong panggigipit sa kanilang mga biktima tulad ng abusive collection tactics at predatory practices nitong Enero.
Dagdag pa rito, labis-labis na interest at hidden fees ang ipinapatong ng nasabing lending app dahilan para mahirapan ang mga biktima na bayaran ito.
Isasailalim naman sa pagtatanong ang nasa mahigit 100 nahuling empleyadong Pinoy sa nasabing lending app.
Facebook Comments