OPISINA NG MSWDO SALINGAYEN, NILOOBAN; PERA, ALAHAS AT LAPTOPS, TINANGAY

Nilooban ang opisina ng Lingayen Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) ng dalawang indibidwal.

Sa imbestigasyon ng pulisya, tinangay ang apat na laptop na nagkakahalaga ng nasa P300, 000, ilang mga alahas na may halagang P7, 000 at pera na nasa P34, 200.

Agad na narecover ang mga laptop matapos mapag-alamang ibinenta ito ng mga suspek.

Sa naganap na press briefing kahapon, kinumpirma ni Lingayen Police Station Chief of Police, PLtCol. Amor Somine na ang dalawa ay pawang mga menor de edad.

Sa ngayon, nasa kustodiya na ang mga ito ng pulisya at under monitoring ng MSWDO. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments