Opisina ni Fr., St. Anne Parish Church Sa Magarao CamSur, Niransak, Ninakawan

11

Hindi akalain ni Fr. Benedick Eguia y San San Juan, 36 years old, parish priest ng St. Anne Parish Church sa Brgy. San Isidro, Magarao dito sa probinsiya ng Camarines Sur na pag-iinteresan pa ng magnanakaw pati na ang pamamahay ng Diyos.
Ayon sa police report, kamakalawa bandang 1:20 ng madaling araw, niransak ng magnanakaw ang opisina ni Fr. Benedick at tinangay ang isang vault na naglalaman ng humigit-kumulang 70,000 pesos at tatlong post-dated checks na hindi nabanggit ang mga halaga nito.
Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, pumasok sa nabanggit na opisina ang magnanakaw sa pamamagitan ng pagsira ng window grills.
Ang pangyayari ay nakunan ng cctv na naka-install sa loob mismo ng opisina.
Sa pag-review ng kapulisan sa record ng cctv, napag-alaman na ang salarin ay isang lalaki na naka-sleeveless shirt, nakasuot ng maong na shorts at may tattoo sa kaliwang braso. Hindi malinaw sa kuha ng cctv ang mukha ng magnanakaw.
Ayon pa sa pahayag ng pulisya,malaking bagay ang tattoo marks sa braso ng salarin upang maresulba ang kaso.
Idinagdag pa ng pulisya na ilang person of interest na ang kanilang ipinasailalim sa verification upang makilala ang suspect.
Sinasabi ring malaki ang posibilidad na kilala at pamilyar sa paligid ng simbahan ang suspect dahil hindi tumahol ang mga asong bantay at mukhang alam ng suspect kung saan nakalagay ang vault na naglalaman ng pera at mga tseke.

Facebook Comments