Opisina ni Pangulong Marcos, nadagdagan ng higit ₱5 billion para sa hosting ng 2026 ASEAN Summit

Nadagdagan ng ₱5.2 billion ang pondo ng Office of the President o opisina ni Pangulong Ferdinand Marcos sa 2025 national budget mula sa orihinal na budget request nito.

Sa ilalim ng orihinal na National Expenditure Program, humiling ang Office of the President ng ₱10,506,201 billion para sa 2025 na mas mababa ng 1.88% sa 2024 budget.

Pero ayon kay Executive Secretary Lucas Bersamin, humingi sila ng supplemental fund sa Kongreso para tustusan ang pagho-host ng Pilipinas ng 2026 Association of Southeast Asian Nation (ASEAN) Summit.


Malaki aniya ang magagastos sa ASEAN at dalawang taon ang gagawing paghahanda ng pamahalaan.

Paliwanag ni Bersamin, ang bansang Myanmar sana ang nakatakdang mag-host ng ASEAN 2025 pero maraming heads of state ang nag-aalangan na magtungo sa bansa dahil sa hindi pa rin maayos ang sitwasyon doon.

Dahil dito, ang Malaysia aniya ang magiging host country sa 2025 at susunod na ang Pilipinas kaya ngayon pa lamang ay dapat mapaghandaan na ito.

Facebook Comments