Opisina ni Sen. Win Gatchalian, nilinaw ang mga ibinabatong isyu sa kanya kaugnay sa paglabag ng puting SUV na ilegal na dumaan sa EDSA bus lane

Nilinaw ng opisina ni Senator Sherwin Gatchalian ang mga akusasyong iniuugnay sa kanya kaugnay ng insidenteng kinasangkutan ng Cadillac Escalade na lumabag sa pagdaan sa EDSA busway sa may bahagi ng Guadalupe.

Sa inilabas na statement mula sa tanggapan ng senador, iginiit dito na hindi sangkot sa nangyaring insidente si Gatchalian at hindi siya sakay ng naturang sasakyan nang maganap ang pagdaan sa busway.

Nilinaw rin na hindi pag-aari ng senador ang Cadillac Escalade at ang sasakyan ay nakarehistro sa Orient Pacific Corporation.


Binigyang diin din na hindi pagmamay-ari ni Gatchalian ang pekeng protocol plate na gamit ng nasabing SUV at wala ring koneksyon o anumang kaugnayan ang mambabatas sa Orient Pacific Corporation.

Kung matatandaan, inulan ng mga batikos ang senador sa nag-trending na viral video na pagdaan ng isang puting SUV na may protocol plate number 7 kung saan nauna na ring lumabas sa mga balita na konektado sa senador ang sakay at nagmamay-ari ng luxury car.

Umaasa naman ang kampo ng senador na maging malinaw na ang hindi pagkakaunawaan kaugnay sa insidente.

Facebook Comments