
Ipasasailalim ni Sen. Juan Miguel Zubiri sa random drug test ang kanyang opisina sa Mataas na Kapulungan.
Kaugnay pa rin ito sa napaulat kamakailan na paggamit umano ng isang staff ng senador ng marijuana na itinanggi naman kalaunan.
Ayon kay Zubiri, ipina-arrange niya ngayong umaga na sumailalim sa random drug test ang kanyang mga staff para mawala ang duda.
Pati mismo ang senador ay sasailalim din sa drug test upang pamarisan ng kanyang mga empleyado.
Handa rin ang mambabatas na magsagawa ng hair follicle test nang sa gayon alam ng publiko na sa kanyang tanggapan ay walang empleyadong nagdodroga.
Hinimok naman ni Zubiri ang ibang mga senador at mga opisina sa Senado na gawin na rin ang pagpapa-drug test.
Facebook Comments









