Opisyal at mga tauhan ng Philhealth Isabela, Iimbestigahan ng NBI

Cauayan City, Isabela- Binabantayan ngayon ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) Isabela ang lahat ng mga opisyal at tauhan ng tanggapan ng Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) sa probinsya.

Ito ay makaraang masiwalat ang anomaly ana nangyayari sa pagitan ng matataas na opisyal ng Philhealth

Ayon kay Provincial Director Timoteo Rejano, NBI Isabela, ito ay hakbang ng kanilang pwersa matapos kumalat ang isyu sa umano’y talamak na pagbulsa ng pondo ng Philhealth.


Ayon pa kay Rejano, nagsasagawa na rin sila ng mga intelligence action kaugnay sa kilos ng mga opisyal ng ahensya para matiyak na hindi sangkot sa maanomalyang pagbulsa ng pondo mula sa mga benefit claims.

Tinukoy din ng NBI official na magkakaroon din sila ng imbestigasyon sa financial data ng ahensya maging lifestyle check sa mga opisyal nito.

Bukod dito, paiimbestigahan din ng NBI ang lahat ng mga dialysis center sa probinsya dahil sa posibleng ghost claims.

Facebook Comments