Inilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) ang opisyal na balota na gagamitin sa May 2022 national and election.
Sa naturang balota, 10 ang presidential candidate, siyam ang bise presidente, 64 ang senatorial candidate at 178 ang party-list group.
Sinabi naman ng COMELEC na ang nilalaman ng mga balota ay nag-iiba bawat lokasyon.
Ang mga balota para sa mga lokalidad ay naglalaman ng mga pangalan ng mga lokal na kandidato habang ang para sa mga botante sa ibang bansa ay magkakaroon lamang ng mga pambansang kandidato at party-list na grupo.
Nauna nang inihayag ng COMELEC na target nilang matapos sa ballot printing sa ika-3 linggo ng Abril.
Facebook Comments