OPISYAL NA CALENDAR OF ACTIVITIES PARA SA DAGUPAN CITY FIESTA NGAYONG TAON, INILABAS NA

Inilabas na ng Pamahalaang Panglungsod ng Dagupan ang opisyal na iskedyul ng mga aktibidad para sa pagdiriwang ng City Fiesta ngayong taon.

Iikot sa temang “Pamilya ang Puso ng Pasko” ang kapistahan ngayong taon na idadaos ng isang buwan, na sinimulan na noong December 5 at magtatapos sa December 30 para sa Rizal Day.

Kabilang sa mga nakalinya pang aktibidad ang payout sa iba’t-ibang sektor, Araw ng Kasiyahan para sa mga Batang may Kapansanan, Mass Wedding, Noche Buena de Belen, Edades Day at gabi ng selebrasyon para sa mga solo parent, miyembro ng TODA, brotherhood at mga empleyado sa mga sangay ng City Government.

Nauna nang inihayag ng alkalde ang patuloy na paghahatid ng tulong at pamasko sa mga pamilyang Dagupeno upang matulungan sa kanilang pangangailangan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments