Opisyal na dokumento, pinapasalin sa Filipino ni Senator Padilla

Para kay Senator Robinhood “Robin” Padilla, dapat isalin sa wikang Filipino ang mga opisyal na dokumento ng pamahalaan ng Pilipinas para maintindihan ito ng pangkaraniwang Pilipino.

Laman ito ng Senate Bill 228 na inihain ni Padilla na umaayon sa Section 6 Article XIV ng Saligang Batas na nagsasabing dapat isulong ng pamahalaan ang hakbang para gamitin ang Filipino bilang “medium of official communication.”

Sa ilalim ng panukalang batas ay magiging opisyal na wika ang Filipino at Ingles sa lahat na opisyal na dokumento, kasama ang mga Executive issuances tulad ng implementing rules and regulations of acts, executive orders, proclamations, administrative orders, memorandum circulars and memorandum orders.


Kasama rin dito ang Legislative documents tulad ng acts, bills, rules of procedures, resolutions, journals, at mga committee reports.

Pinapasalin din sa wilang Filipino ang Judicial Issuances and Proceedings tulad ng “decisions, resolutions, rules and other issuances ng Supreme Court at lower courts.

Binanggit din ni Padilla sa panukala ang mga International Treaties, Public Advisories at Publication of Acts.

 

Facebook Comments