
Opisyal nang naipasa ng Department of Budget and Management sa Office of the President ang ₱6.7 trillion na 2026 National Expenditure Program (NEP) ngayong hapon.
Sinaksihan mismo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ceremonial turnover ng panukalang budget.
Ayon sa Malacañang, ang bawat probisyon na inilinya sa 2026 NEP ay alinsunod sa Philippine Development Plan (PDP) 2023-2028.
Binigyang prayoridad sa budget ang edukasyon, kalusugan, pinalawak na social protection programs, food security, at iba pang mahahalagang probisyon na magsusulong ng karapatan ng bawat Pilipino.
Samantala, sinaksihan ni Pangulong Marcos, ang ceremonial presentation ng nilagdaang Government Optimization Act o ang Republic Act (R.A.) 12231.
Layon naman ng batas na ito, na gawing mas episyente at mas responsive ang pagbibigay serbisyo ng pamahalaan, para sa mga Pilipino.









