Opisyal na listahan ng botohan sa prangkisa ng ABS-CBN, ipinalalabas sa Committee on Legislative Franchises

Ipinalalabas ng ilang mga kongresista sa House Committee on Legislative Franchises ang pangalan ng mga bumoto na hindi pabor sa renewal ng prangkisa ng ABS-CBN.

Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin inilalabas ng komite ang opisyal na listahan ng mga bumoto ng YES para hindi bigyan ng prangkisa ang giant network.

Paliwanag ni Cagayan de Oro Rep. Rufus Rodriguez, kailangang malaman kung sino ang mga bumoto ng pabor sa committee report para sa transparency gayundin ang mga impormasyon ng lahat sa nasabing usapin na kinakaharap ng bansa.


Naniniwala naman si House Deputy Minority Leader Carlos Isagani Zarate na walang dahilan upang hindi ilabas ang listahan dahil bahagi ito ng proceedings na nangyari at karapatan ng publiko na malaman ang boto ng kanilang mga kinatawan.

Hihilingin naman ni Albay Rep. Edcel Lagman kay House Secretary General Jose Luis Montales na maglabas ng certified true copy ng resulta ng nasabing botohan.

Facebook Comments