
Inilabas na ang opisyal na logo para sa ika-65 Palarong Pambansa 2025 na gaganapin sa Laoag City, Ilocos Norte.
Tampok ang pixelized na pigura ng Olympic Swimmer at tinaguriang Ilocano Shark na si Teofilo Yldefonso mula sa bayan ng Piddig maging ang mayamang tradisyon ng inabel o paghahabi ng mga Ilokano.
Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang paghahanda ng iba’t-ibang tanggapan sa patimpalak na dadaluhan ng mga delegado mula sa iba’t-ibang rehiyon sa bansa na makikilahok sa mga sport tulad ng Wushu, Kickboxing, Wrestling, Sepak Takraw at iba pa.
Magbubukas ang Palarong Pambansa 2025 sa May 24 at magtatagal hanggang June 2. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments