Opisyal na nominasyon para sa Go-Duterte tandem sa 2022 elections, posibleng iendorso na mamaya ng PDP-Laban Cusi faction

Posibleng opisyal nang ianunsiyo mamaya ng PDP-Laban na pinamumunuan ni Energy Secretary Alfonso Cusi ang nominasyon para sa tandem nina Senator Bong Go at Pangulong Rodrigo Duterte bilang presidente at bise presidente sa 2022 elections.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag na bukod sa Go-Duterte tandem ay isasama na nila ang line-up para naman sa mga tatakbong senador sa ilalim ng kanilang partido.

Kasunod niyan, umaasa aniya ang buong PDP na tatanggapin ni Go ang nominasyon bilang presidential candidate sa kabila ng una nitong pahayag na wala siyang balak tumakbo bilang pangulo sa halalan.


Samantala, limitado lamang sa 400 ang personal na makakadalo sa gagawing national convention ng PDP-Laban sa San Fernando Pampanga ngayong araw habang sa Zoom na lamang lalahok ang iba pa nilang miyembro.

Facebook Comments