OPISYAL NA | Pagbili ng Grab Sa Uber, pinagtibay na ng PCC

Manila, Philippines – Pinagtibay na nang inaprubahan ng Philippine Competition Commission ang pagkakabili ng Grab sa Uber dito sa bansa.

Agad na magkakabisa ang desisyon ng PCC pero nagtakda ang komisyon ng mahigpit na mga kundisyon para dito.

Isang team ang magmo-monitor sa loob ng isang taon sa gagawing pagtalima ng Grab sa mga kundisyon ng PCC.


Kabilang sa mga kundisyon ay ang pagtiyak ng Grab na magiging maayos at patas ang serbisyo nito.

Inaasahan ng PCC sa Grab na hindi ito maniningil ng sobra o hindi magkakaroon ng extraordinary deviation sa pinapayagang pasahe ng gobyerno at ang paglabag dito ay mapapatawan ng 2 milyong pisong penalty.

Ipinarerebisa din sa Grab ang trip receipt nito para malinaw sa pasahero ang fare breakdown, pababain ang cancellation rates ng mga drivers nito at aalisin ang destination masking para sa mga drivers na mababa ang acceptance rate.

Hindi rin pinapayagan ang Grab na pagbawalan ang mga driver o operators nito na magparehistro sa ibang Transport Network Company.

Inaatasan din ng PCC ang Grab na magpatupad ng driver code of conduct at magtayo ng grab driver academy para mas maging maayos pa ang serbisyo ng drivers nito, magkaroon ng driver reward program at driver welfare program.

Para naman sa mga pasahero, inoobliga din ang grab na magkaroon ng passenger code of conduct at emergency sos feature o help center.

Facebook Comments