Inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na pormal nang nagtapos ang panahon ng Amihan kasabay ng pagpasok ng tag-init na tatagal hanggang sa huling bahagi ng Mayo.
Ayon sa PAGASA, tuluyan nang umatras ang High-Pressure Area sa Siberia na nagresulta sa paghina ng northeasterly winds at ang pagtaas ng temperatura sa halos lahat ng bahagi ng bansa.
Asahan na sa pagpasok ng Abril at sa susunod na buwan ang mainit na temperatura at ang pag-ulan ay maiimpluwensyahan ng easterlies at localized thunderstorm.
Pinapayuhan ang publiko na iwasan ang heat stress at gawing madalas ang ang pag-inom ng tubig.
Facebook Comments