Opisyal na pahayag ng WHO kaugnay sa umano’y pagkalat ng virus, inaabangan pa ng DOH

Hindi muna maglalabas ng kanilang pahayag ang Department of Health (DOH) kaugnay sa mga naglalabasang ulat hinggil sa pagkalat ng panibagong virus sa China.

Ayon sa DOH, wala pang opisyal na anunsyo mula sa World Health Organization (WHO) kaugnay sa nasabing isyu.

Nakadepende ang pahayag ng DOH kung mayroong ilalabas na opisyal na deklarasyon ang WHO sa umano’y kumakalat na sakit sa naturang bansa.


Matatandaan na unang kumalat sa mga social media platform ang umano’y panibagong virus na kumakalat sa ilang probinsya ng China.

Kabilang dito ang Human Metapnuemovirus, Influenza A, respiratory illness, Mycoplasma pneumoniae at Covid-19.

Payo ng DOH sa publiko, maghintay ng opisyal na pahayag mula sa mga eksperto at huwag basta maniniwala sa mga nakikita o nababasa sa mga social media.

Facebook Comments