Opisyal na utos ni Pangulong Duterte, inaabangan nalang para sa pormal na paghiwalay ng Office of the Presidential Spokesman sa Presidential Communications Operations Office

Manila, Philippines – Inihayag ni Incoming Presidential Spokesman Harry Roque na dahil Cabinet Rank ang ibinigay sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte ay inaasahan na ihihiwalay ang Office of the Presidential Spokesman sa Office of the Presidential Communications Operations Office o PCOO.

Sa unang briefing ni Roque sa Malacañang ay sinabi nito na inaabangan na nila ang kautusan ng Pangulo na pormal na maghihiwalay sa kanyang tanggapan mula sa tanggapan ni Communications Secretary Martin Andanar.

Tiniyak din nito na kahit maghiwalay ng tanggapan ay magpapatuloy parin ang maigting na pagtutulungan nila ni Secretary Andanar para maihatid sa taumbayan ang mga mensahe ng pamahalaan lalo na ni Pangulong Duterte.


Sinabi din nito na hindi muna siya magsasagawa ng reorganization sa kanyang tanggapan pero sinabi din nito na sa susunod na taon ay magpapasok siya ng kanyang mga tauhan dahil bilang cabinet secretary ay kailangang kilala at pinagkakatiwalaan niya ang mga tao sa kanyang paligid.

Facebook Comments