Inatasan na ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III ang kanyang mga opisyal na ihanda ang mga listahan ng mga landholding na babayaran ng Land Bank of the Philippines (LBP) bilang bahagi ng kompensasyon ng mga may-ari ng lupa para sa natitirang bahagi ng 2022.
Sa kanyang pakikipagpulong kamakailan sa Bureau of Treasury (BTr), sinabi ni Estrella na ang kompensasyon ng mga may-ari ng lupa ay manggagaling sa ₱34 billion Agrarian Reform Fund (ARF).
Paliwanag ni Estrella na ang Bureau of Treasury ay naglaan ng ₱10 billion sa ARF para sa mga natitirang buwan ng 2022, kung saan ₱1 billion ang ilalaan para sa kompensasyon ng mga may-ari ng lupa para sa taong ito.
Inatasan ng kalihim ang lahat ng mga opisyal na kumpirmahin ang mga listahan ng mga lupain na may nakabinbing mga Certificate of Deposit (COD) mula sa LBP.
Dagdagpa ni Estrella na ang COD ay mga savings account na inisyu ng LBP bilang isang paraan ng kompensasyon sa mga dating may-ari ng lupa na sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Humihiling ang kalihim ng karagdagang pondo sa pamamagitan ng ARF upang matugunan ang natitirang mga transaksyon sa pagkuha at pamamahagi ng lupa para sa taong 2022 dahil ang pondo na inilaan para sa nakaraang taon at sa taong ito ay naubos na.