Opisyal ng NPA sa North Eastern Mindanao, sumuko sa military

Manila, Philippines – Sumuko kahapon sa militar ang isa sa opisyal ng New
People’s Army sa North Eastern Mindanao na labing apat na taong kasapi ng
NPA.

Kinilala ang sumukong rebelde na si Estelito Camino Jr. alyas Ka Puma
tumatayong commanding officer ng Sentro de Grabidad ng North Eastern
Mindanao Regional Committee

Nag-o-operate ang kanilang grupo sa Surigao Del Sur at Agusan provinces.


Ayon kay 401st Infantry Brigade Spokesperson Capt. Jasper Gacayan kusang
loob na sumuko ang rebelde dahil sa umanoy hirap na nararanasan sa bundok.

Nais rin daw nitong maging ehemplo sa kanyang mga kasamahan para sumuko na
rin sa pamahalaan matapos niyang mapatunayang walang nangyayaring
pagmamaltrato sa mga sumusuko rebelde taliwas sa kanilang mga
nababalitaang hindi magandang pagtrato sa mga kasamahan nilang sumusuko.

Inamin din ni Camino na bilang dating opisyal ng NPA nakita niya ang
nangyayaring korapsyon sa kanilang hanay lalo na sa mga kapwa ng lider ng
NPA.

Nakita niya rin daw ang ginagawang pangongotong ng kanyang mga kasamahan sa
mga negosyante at mga magsasaka.

Dahil rin mga ito kaya tuluyan nang nagbaba nang kanyang armas ang rebelde
at bumalik loob sa pamahalaan.

 

Facebook Comments