“Blue ribbon failed to treat us justly. ”
Ito ang naging pahayag ni Pharmally Pharmaceutical Corporation Executive Mohit Dargani kasunod ng utos ng Senate Blue Ribbon Committee na ipaaresto ang ilan sa kanilang opisyal.
Ayon kay Dargani, hindi kasi nakuha ng mga senador ang gusto nilang marinig kaya nais ng mga itong ipakulong sila.
Ginagamit lamang aniya sila para sa pansariling politikal na hangarin dahil nalalapit na ang eleksyon.
Dagdag pa ni Dargani, ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para makipagtulungan pero itinuturing lamang sila na parang mga kriminal.
Samantala, inihayag din ni Dargani na walang kinalaman si Pangulong Rodrigo Duterte sa transakyon at kasunduan ng Pharmally at ng Procurement Service – Department of Budget and Management (PS-DBM)
Pero ayon kay Senate President Vicente Sotto III, kung talagang nakikipagtulungan ang mga opisyal ng Pharmally ay dapat ibigay nila ang mga dokumentong hinihingi ng mga senador para sa imbestigasyon