Nasumite ng liham sa Senate Blue Ribbon Committee ang Director ng Pharmally Pharmaceutical Corporations na si Linconn Ong.
Nakasaad sa liham ang kanyang pagtanggi na humarap sa alok ng mga senador na executive session para mailahad niya ang nalalaman ukol sa pagbili ng gobyerno ng umano’y overpriced na pandemic supplies.
Ikinatwiran ni Ong sa sulat na ang kanyang pasya ay alinsunod sa payo ng kanyang abogado.
Magugunitang sa nakaraang Senate hearing ay nag-alok ng executive session ang mga senador dahil atubili si Ong na isiwalat sa publiko kung magkano ang perang itinulong umano ni dating presidential adviser Michael Yang sa Pharmally Pharmaceutical Corporations.
Ito ay para makatugon ang Pharmally sa bilyun-bilyong pisong kontrata na ini-award dito ng Procurement Service of the Department of Budget and Management (DBM) para mag-supply ng face mask, Personal Protective Equipment (PPE), test kits, face shields at iba pang medical supplies.