Opisyal ng PNP na nagpositibo sa COVID-19, umakyat na sa 50

Umakyat na sa 50 police officers ng Philippine National Police (PNP) ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay PNP Deputy Chief for Operations Lieutenant General Guillermo Eleazar, umabot na sa 50 ang mga pulis na kumpirmado sa COVID-19, 254 ang probable at 348 na suspect, na nagto-total sa 652.

Sinabi pa ni Eleazar na naglaan na rin sila ng pasilidad para sa mga affected na pulis.


Samantala, ikinokonsidera nang suspected sa COVID-19 ang 74 preso ng Bureau of corrections (BuCor) habang probable naman ang dalawang iba pa.

Aabot naman sa 80 tauhan ng BuCor ang kinokonsiderang suspected habang isa naman ang probable.

Matatandaang naglabas na ng bagong klasipikasyon ang Department of Health (DOH) kung saan kinaklasipika ang may sintomas ng COVID-19 pero hindi pa nasusuri bilang “suspect,” at “probable” naman para sa mga naghihintay ng resulta.

Facebook Comments