Opisyal ng PNP na umano’y may kinalaman sa pagpaslang kay dating Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili, ipatatawag ng House Quad Committee

Isinulong ni Committee on Public Order and Safety Chairman at Sta. Rosa, Laguna Representative Dan Ferdnandez na paharapin sa susunod na pagdinig ng House Quad Committee ang opisyal ng Philippine National Police (PNP) na umano’y may kinalaman sa pagpatay kay dating Tanauan, Batangas Mayor Antonio Halili.

Ito ay makaraang ibunyag sa House Quad Committee hearing ni dating Philippine Charity Sweepstakes Office general manager at retired Police Colonel Royina Garma na ipinagmalaki umano noon ni Lieutenant Colonel Alborta na kasama siya sa team na bumaril kay Halili habang dumadalo sa flag ceremony sa City Hall noong July 2, 2018.

Magugunitang si Halili ay naging kontrobersyal noon dahil sa ginagawa nitong pagpaparada sa mga suspek na sangkot sa iligal na droga.


Si Halili ay tinukoy ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na sangkot sa iligal na droga pero ito ay kanyang mariing itinanggi.

Facebook Comments