Opisyal ng PNP sa Zamboanga, nasawi dahil sa COVID-19

35

Nadagdagan pa ng isang pulis ang nasawi dahil sa COVID -19 kaya naman umabot na sa 66 ang bilang ng mga nasawi sa Philippine National Police (PNP) dahil sa virus.

Ayon kay PNP Chief Police General Guillermo Eleazar, isang 52-anyos na police captain ang nasawi sa Zamboanga City.


Batay sa record, May 1 nang nagpositibo sa virus ang pulis at dinala sa ospital.

Nalipat ito sa Intensive Care Unit (ICU) noong May 18 matapos dumaing ng hirap sa paghinga.

Makalipas ang 29 na araw nang paglaban sa sakit, bumigay na ang katawan nito at binawian ng buhay kahapon.

Nagpaabot naman ng pakikiramay si Eleazar sa naiwang pamilya ng pulis habang tiniyak na makatatanggap ang mga ito ng kaukulang tulong mula sa PNP.



Samantala, may 116 bagong kaso ng COVID-19 sa PNP dahilan para muling umakyat sa 1, 850 ang aktibo nilang kaso.


Habang 73 bagong gumaling sa COVID-19 sa PNP.

Facebook Comments