Opisyal ng Tatlong Barangay at COP sa San Mateo Isabela, Dumalo at Nabigyan ng parangal sa Ginanap na Flag Raising Ceremony!

San Mateo, Isabela – Nabigyan ng parangal ang mga opisyal ng tatlong barangay sa San Mateo Isabela dahil sa naideklarang drug cleared at drug free kamakailan.

Ang parangal ay iginawad sa ginawang flag raising ceremony kaninang umaga sa imbitasyon ni Mayor Crispina Remegio Agcaoili.

Sa panayam ng RMN Cauayan kay Police Chief Inspector Richard Gatan, ang hepe ng San Mateo Police Station na naimbitahan din ito sa nasabing flag raising upang makilala at makausap ang lahat ng opisyal ng barangay sa bayan ng San Mateo upang maipaabot ang mga dapat nilang malaman lalo na ang tungkol sa BADAC at programa ng kapulisan.


Sinabi pa ni Police Chief Inspector Gatan na dumalo rin ang lahat ng opisyal ng barangay sa San Mateo upang iprisinta ang tatlong barangay at upang hikayatin ang lahat na maging drug cleared at drug free na.

Matatandaan na drug cleared na ang Brgy. San Manuel at drug free naman ang Brgy. Villa Gmiao (Buyon) at Brgy. Villa Cruz.

Samantala inimbitahan din ang lahat ng opisyal ng barangay sa San Mateo upang dumalo sa eleksyon ng Liga Mga Barangay President.

Facebook Comments